Patuloy kaming lumiligid, patuloy kaming nagtatayo
Tumutulong ang transit na pagka-konektahin tayong lahat, sa mahahalagang serbisyo at sa trabaho at sa mga oportunidad sa edukasyon. Ipina-alala sa atin ng pandemya ng Covid-19 kung gaano ka-importante ang mga koneksyong iyon.
Sa kahirapan ng taong ito, ipinanatili ng Sound transit ang pagtakbo ng ating mga tren at bus, tumutulong ihatid ang mga mahahalagang manggagawa sa kanilang mga trabaho sa front line.
Kami ay nasa tamang landas na magbukas ng 28 bagong istasyon ng light rail hanggang 2024, magsisimula ng serbisyo sa Northgate ngayong taon. Ngunit ang pag-urong ng ekonomiya sanhi ng pandemya kasabay ng pagtaas sa gastusin sa konstruksyon ay magdudulot ng pang-matagalang epekto sa ekonomiya ng ating rehiyon at maaaring mapabagal sa pagpapabuti sa mga proyekto ng transit sa hinaharap.
Galugarin sa ibaba o basahin ang Progress Report upang makita kung paano lumalawak ang inyong systema ng transit.
Nasa oras para sa 2024
Malapit na naming ma-triple ang sistema ng light rail sa paggawa ng 28 bagong istasyon sa bawat parte ng rehiyon sa loob lamang ng 4 na taon simula sa serbisyo sa Northgate ngayon taon na ito. Katulad ng ang mga konstruksyon sa transit ang nagpagpabilis ng pagbawi ng ating ekonomiya noong Great Recession taong 2008-2009, ang paggawa sa light rail ay nagbibigay ng trabaho sa libo-libong manggagawa, at sila nama’y sumusuporta sa mga lokal na tindahan at serbisyo sa komunidad.
Kasalukuyang taon! Northgate: Tatlong istasyon ang magbubukas ngayong tag-lagas, palalawakin ang serbisyo sa hilaga mula University of Washington na magbibigay ng 14 minutong biyahe mula Northgate hanggang downtown Seattle. |
|
Susunod na taon Pierce County: Anim na bagong Tacoma Link Station ang magbubukas na magdudugsong sa bayan hanggang distrito-medikal ng Hilltop. Magbubukas din kami ng bagong garahe sa Puyallup Sounder Station. |
|
2023 Eastside: Kami ay maglulunsad ng serbisyo ng light rail sa kabila ng tulay ng I-90 na binubuo ng 10 istasyon, kasama na ang Mercer Island, downtown Bellevue at ng Spring District. |
|
2024 Regionwide: Karagdagang pagpapalawak sa lahat ng direksyon-papuntang Shoreline, Mountlake Terrace, at Lynnwood; mula sa Microsoft Campus hanggang Downtown Redmond, at mula Angle Lake hanggang Kent/Des Moines and Federal Way. |
Pagsasaayos ng mga proyekto sa hinaharap sanhi ng hamong pinansyal
Ang Sound Transit system ay nahaharap sa malaking hamong pinansyal sanhi ng 2 malaking dahilan:
1. Ang Sound Transit system ay nahaharap sa malaking hamong pinansyal sanhi ng 2 malaking dahilan:
Paano nababawasan ang kita ng transit pag nabawasan ang paggasta ng tao
Mga 58% ng taunang kita ng Sound Transit ay galing sa buwis sa benta na nagmumula sa paggastos ng mga tao, na matinding bumaba sa panahon ng pandemya. Kasabay sa mababang kita mula sa iba pang buwis at pamasahe sa pagsakay, ito ay nagdulot ng mababang pondo para sa mga proyekto sa hinaharap. Inaasahan namin na mga $6 bilyon ang kulang sa kita hanggang sa taong 2041, o maaaring lumaki pa kung lumala pa ang tag-hirap.
Karagdagang impormasyon ukol sa epekto ng Covid-19 sa kita ng Sound Transit.
2. Rising real estate and construction prices in the region that are significantly increasing project costs beyond initial estimates.
Patuloy ang pagtaas ng halaga ng lupain at konstruksyon
Tulad ng sinumang sumubok na bumili ng bahay sa panahon ngayon, ang panahon ng tag-hirap ay hindi pumigil sa pagtaas ng halaga ng lupain o gastusin sa konstruksyon. Ang mga naunang proyekto na nagpahaba sa light rail pati na ang mga susunod na mga proyekto ay inaasahang tataas sa halos $12 bilyon sa gastusin bawat taon hanggang 2041. Habang tuloy sa pagdisenyo ng mga proyekto ang ahensya, umaabot sa 40% na pagtaas sa estimates ay dahilan sa pagtaas ng presyo ng lupain.
Karagdagang impormasyon sa Capital program cost estimate growth and response actions memo.
Pursuing alternative revenue sources
Unang prioridad ng Sound Transit ay ang kumuha ng bagong pondo mula sa pamahalaang pederal at estado at sa iba pang mapagkukunan, at iwasang itaas ang antas ng buwis sa pagbebenta, pag-aari, at sasakyan.
Kami ay sumasali sa ibang ahensya at mga kaalyado na mag-udyok ng pagsisikap at aksyon mula sa pamahalaang federal at estado na magbigay ng pondo para sa transit upang matapos ang mga naka-planong proyekto sa panahon.
Delaying, phasing or modifying future projects
Habang kumukuha kami ng mga bagong pondo, magsasagawa ang Board ng mga pagbabago upang maisalba ang badyet ng Sound Transit Itong proseso ng pagbabago sa iskedyul at plano ng mga proyekto ayon sa sitwasyon ay tinatawag na "realignment".
Paano nakaka-apekto ang realignment sa inyong paggamit ng transit sa mga susunod na panahon:
- Ang lahat ng proyekto na kasalukuyang ginagawa ay hindi apektado ng realignment at atatapos sa oras.
- Ang mga pagpapahaba na kasalukuyang ginagawa ay magpaparami sa pagpipiliian sa transportasyon ng rehiyon, susuportahan ang pagbawi sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagkaroon ng maraming trabaho sa konstruksyon na may magandang kita. Dahil ang transportasyon ang pinakamalaking pinanggagalingan ng usok na karbon sa ating estado, ang pagpapalawak ng transit ay mahalaga upang maprotektahan ang ating planeta.
- 3. Ang puwang sa kakayahan sa pagbayad ay makakaapekto sa mga susunod na proyekto, kasama na dito ang planong Sounder rail, Stride bus rapid transit, at kalaunan ang pagpapalawak sa light rail papuntang Tacoma Dome, Everett, West Seattle, Ballard, South Kirkland, Issaquah, at Tacoma Community College. Kung sakaling hindi kayang punan ng mga bagong pondo ang puwang sa kakayahan sa pagbayad, ang Sound Transit Board of Directors ay magsasagawa ng pagbabago sa iskedyul at plano ng mga susunod na proyekto. Ibig sabihin nito:
- Pag-antala sa proyekto upang makakalap ng kita.
- Pagtapos ng proyekto ng paunti-unti. Kasama dito ang pag-umpisa ng serbisyo sa light rail extensions o pag-umpisa ng serbisyo pero pag-antala sa paggawa ng garahe.
- Pagtapos ng proyekto ng paunti-unti. Kasama dito ang pag-umpisa ng serbisyo sa light rail extensions o pag-umpisa ng serbisyo pero pag-antala sa paggawa ng garahe.
Nagsimula ng suriin ng Board ang mga pagpipilian sa realignment at ang desisyon ay lalabas ngayong tag-init. Bago natin isaalang-alang ang pagkaantala, pagunti-unti, o pagbabago sa mga proyektong transit sa hinaharap, nais naming malaman kung ano ang importante sa inyo.
Ibahagi kung ano ang importante sa inyo!
Ibahagi kung ano ang importante sa inyo!
Pierce County
Nasa oras
Link light rail
Sounder
Maaaring maantala mula sa unang iskedyul, mapa-unti-unti, o mapaliitan
Ibahagi kung ano ang importante sa inyo kung hindi kami makakuha ng bagong pagkakakitaan.
Link light rail
Tacoma Dome Link Extension: Tacoma papuntang SeaTac Airport dadaan sa Fife sa loob ng 35 minutos.
Sounder
- Bagong garahe sa istasyon ng Sumner ay magbibigay ng karagdagang paradahan at mas maayos na pasukan at labasan.
- Mas napabuti na pasukan at labasan sa istasyon ng South Tacoma at Lakewood.
- Mapagpalawak na mga proyekto upang dumami ang sakay ng Sounders.
- Dalawang bagong istasyon ng Sounder ang itatayo sa timog ng Lakewood.
Ipinagdiwang ng Sounder South ang kanilang 20th anibersaryo!
South King County
Nasa oras
Link light rail
- Federal Way Link Extension: Federal Way papuntang SeaTac Airport sa loob ng 15 minutos.
Maaaring maantala mula sa unang iskedyul, mapa-unti-unti, o mapaliitan
Ibahagi kung ano ang importante sa inyo kung hindi kami makakuha ng bagong pagkakakitaan.
Link light rail
- Tacoma Dome Link Extension: may istasyon sa timog ng Federal Way.
- OMF South: kritikal na pasilidad sa pangangalaga at pagkupkop ng mga bagong tren ng Link.
Sounder
- Bagong garhe sa istasyon ng Kent na magbibigay ng karagdagang paradahan at maayos na pasukan at labasan.
- Bagong garhe sa istasyon ng Kent na magbibigay ng karagdagang paradahan at maayos na pasukan at labasan.
- • Mapagpalawak na mga proyekto upand dumami ang sakay ng Sounder.
Bus at bus rapid transit
- Stride I-405 south: Burien papuntang Bellevue sa loob ng 40 minutos.
- SR 162: Pagpabilis ng takbo at mga pagpapabuti upang laging maaasahan.
Kami ay nagsimula na ng konstruksyon sa timog ng Sound na may pagdiriwang na virtual.
Snohomish County
Nasa oras
Link light rail
- Lynnwood Link Extension: Lynnwood papuntang Downtown Seattle sa loob ng 28 minutos.
Maaaring maantala mula sa unang iskedyul, mapa-unti-unti, o mapaliitan
Ibahagi kung ano ang importante sa inyo kung hindi kami makakuha ng bagong pagkakakitaan.
Link light rail
- Everett Link Extension: Lynnwood papuntang Downtown Seattle sa loob ng 28 minutos.
Bus rapid transit
- Stride I-405 north: Lynnwood papuntang Bellevue sa loob ng 33 minutos.
Sounder
Iniiwas naming masira ang mgalikas na yaman habang kami ay nagtatayo. Tingnan ang aming pagpapanumbalik sa Ronald Bog sa Shoreline at Thorton Creek sa may istasyon ng Northgate. Pinatala rin namin ang tulong ng aming mga kaibigan na may apat na paa upang maklaro ang malaking lupain na hindi gumagamit ng ni-isang galong gasolina.
Seattle Area
Nasa oras
Link light rail
- Northgate Link Extension: Northgate papuntang bayan ng Seattle sa loob ng 14 minutos.
- East Link Extension: UW papuntang microsoft campus sa loob ng 14 minutos.
- Lynnwood Link Extension: Shoreline South/ 148th papuntang mgalaro ng Sounders sa loob ng 24 minutos.
Maaaring maantala mula sa unang iskedyul, mapa-unti-unti, o mapaliitan
Ibahagi kung ano ang importante sa inyo kung hindi kami makakuha ng bagong pagkakakitaan.
Link light rail
- West Seattle and Ballard Link Extensions: West Seattle Junction papuntang SODO in 8 minutos.
- West Seattle and Ballard Link Extensions: Ballard papuntang Westlake sa loob ng 11 minutos na may bagong lagusan ng light rail sa bayan.
- Bagong istasyon sa kasalukuyang kadugsong na linya sa NE 130th.
- • Bagong istasyon sa kasalukuyang kadugsong na linya sa South Graham St.
- • Bagong istasyon sa kasalukuyang kadugsong na linya sa Boeing Access Road.
Bus rapid transit
- Stride SR 522: • Bagong istasyon sa kasalukuyang kadugsong na linya sa Boeing Access Road.
- • Suportang kaalyado: karagdagang kontribusyon pagsasa-ayos ng kapiltal ng King County Metro’s Rapid Ride C&D upang mapalakas ang serbisyo sa West Seattle at Ballard para sa pagdating ng light rail.
Eastside
Nasa oras
Link light rail
- East Link Extension: Downtown Downtown Bellevue papuntang mga laro ng Huskies sa loob ng 31 minutos.
- Downtown Redmond Link Extension: Downtown Bellevue papuntang Marymoor Park sa loob ng 15 minutos.
- OMF East: Kritical na pasilidad upang mapanatili at makupkop ang mga bagong sasakyan ng Link.
Maaaring maantala mula sa unang iskedyul, mapa-unti-unti, o mapaliitan
Ibahagi kung ano ang importante sa inyo kung hindi kami makakuha ng bagong pagkakakitaan.
Link light rail
Bus rapid transit
- Stride I-405 north: Lynnwood papuntang Bellevue sa loob ng 33 minutos.
- Stride I-405 south: Burien papuntang Bellevue sa loob ng 40 minutos.
- Stride SR 522: Bothell papuntang Shoreline South/ 148th Link Extension sa loob ng 22 minutos.
Paradahan at mga pagsasa-ayos ng pasukan at labasan
Pagsulong sa katarungan
Mula sa taong 2020, ang kilusan para sa hustisya sa lahi ay nagtuon ng pansin sa mga nakatanim na patakarang at kasanayan na rasista. Sa Sound Transit, kami ay nagpaplano, nagtatayo, at nagpapatakbo ng pampublikong transit na nagbibigay ng pantay-pantay na pagkuha ng pabahay, edukasyon, pasilidad-medical, at oportunidad sa trabaho para sa lahat.
Ipinasusulong namin ang katarungan sa pamamagitan ng:
- Ginagawa naming ang mga lupain na para sa konstruksyon ng transit ay handa para sa abot- kayang pagpapa-unlad ng pabahay.
- Paggalugad ng mas makatarungan at epektibong paniningil ng pamasahe.
- Naghahandog ng mas mababang pamasahe sa mga taong may mababang kita, may edad na 65 pataas, at may ibang abilidad.
- Pagsuporta sa lahay ng sakay na may ibat-ibang abilidad, kasama na ang libreng pagsasanay sa paglalakbay upang matulungan ang mga taong may kapansanan at mga matatanda na makapaglayag ng nag-iisa gamit ang pampublikong transportasyon.